Karla Estrada sinupalpal ang tsikang hiwalay na ang KathNiel


Nanay ni Daniel Padilla nagsalita na tungkol sa hiwalayan issue nila ni Kathryn Bernardo.


Sa kanyang official Facebook page,  sinupalpal ni Karla sa tsika ni Cristy Fermin na siya raw mismo ang nagsabi sa isang kaibigan na wala nang KathNiel.


“Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na,” ang saad ni Cristy sa “Showbiz Now Na” nitong Biyernes.


Na share ni Karla ang isang article tungkol dito.


“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” saad niya. 




No comments:

ads
Powered by Blogger.