Kilalaning ang limang anak ni Dabarkads Jose Manalo!

 Ngayong araw ay kikilalanin natin ang mga anak ng nag-iisang Jose Manalo. Araw-araw ay pinapasaya tayo ni dabarkads Jose sa Eat Bulaga.


 Larawan mula sa Abogado

Iba ang karisma sa mga masa ni Jose at gustong-gusto ng karamihan ang kanyang sense of humor. Bilang host, napaka-down to earth ni Jose, kitang-kita naman sa araw-araw na pagbisita nila sa mga barangay sa buong Pilipinas.

Marunong siyang makisalamuha sa masa dahil galing din sa hirap si Jose. Madalas ay nakaka-relate ito sa mga contestants ng Juan 4 all, All 4 One. Alam ni Jose ang mga pinagdadaanan ng nasusugod nila. Pero hindi lang mabait at magaling na host si Jose kundi isa rin siyang mapagmahal at mapagbigay na ama.

Very private si Jose pagdating sa kanyang personal life. Pero ngayon, hindi naman sa makikialam tayo pero makikialam na rin. Ipapakilala naming sa inyo ang mga naggagandahan at naggwagwapuhan na mga anak ni Jose.

Myki Manalo

                                Larawan mula sa Philippine News Feed 

Siya ang napakaganda at matalinong anak ni dabarkads Jose. Nagtapos si Myki ng Bachelor of Science Major in Psychology sa DLSU at nagpatuloy ng medicine sa FEU. Pumasa naman ito sa medical boards taong 2017. Kasalukuyang residente ng Surgery Department ng Capitol Medical Center.

Sabi nga ni Jose, sulit ang pagod niya sa kanyang araw araw na trabaho kung ganito naman ang achievement ng kanyang anak. Akalain mo may doktorang anak na si Jose. Proud dad moment naman talaga!

Benj Manalo


                                Larawan mula sa Philippine NewsFeed

Isa si Benj sa mga sumunod sa yapak ng kanyang ama dahil tinahak din nito ang mundo ng showbiz. Isa sa pinaka-markadong proyekto ni Benj ay ang appearance niya sa top rated show na Ang Probinsyano ni Coco Martin. Nasilayan din siya sa pinupuring musical na Rock of Aegis, kung saan nakasama niya si Aicelle Santos.

Mapapanuod din si Benj sa Youtube dahil mayroon silang sariling Youtube channel ng kanyang soon to be wife na si Lovely Abella also known as “Congratulations” noon sa show ni Willie Revillame.

Nicco Manalo


                                                 Larawan mula sa Pinoy Parazzi

Hindi maipagkakaila, anak nga ito ni Jose si Nicco dahil para silang pinagbiyak na bunga at pagdating din sa talent ay kaya rin nitong makipagsabayan sa ama. Marunong umarte, sumayaw at may boses din kaya naman paborito si Nicco na kunin as character actor.

Ilang beses na nga siyang napanuod as supporting actor sa mga pelikulang Star Cinema. Gaya ni Benj, lumalabas din itong si Nicco sa mga musicals. Ilan sa kanyang nagawa ay ang 3 Stars and A sun at Mula sa Buwan. Suki din siya ng mga Indie Films at ilan sa mga tumatak na pelikula nito ay ang The Janitor at Barber’s Tales.

Ai Manalo

                                             Larawan mula sa Pep

Kakagraduate lamang ni Ai ng kolehiyo nitong Mayo. Nagtapos siya sa Assumption College Makati sa kursong Advertising and Public Relations. Bongga ang internship ni Ai, account manager sa isang Top Marketing Communications ng Pinas ang OJT niya.

Kahit madami ang nakukuhang offer para mag-artista, mas nag-focus muna siya sa kanyang studies kaysa sundan ang yapak ng kanyang mga kuya at ama sa showbiz. Well malay natin maisipan din ni Ai, eh lalo na ngayong graduate na siya. Pwede dahil napaka charming ng anak ni Jose na ito.

Colyn Manalo

                                        Larawan mula sa Twitter

Kung ikaw ay solid dabarkads, kilalang-kilala mo ang pangalan na Colyn dahil madalas siyang i-greet ni Jose on cam. Achiever din ang anak ni Jose na ito dahil last year lamang ay grumaduate ito ng elementarya at nakatanggap ng award. Musical Intelligence Hall of Famer at isa pa, Outstanding Achievement Award for Bodily or Kinesthetic Intelligence.  

Nakakatuwa nga dahil noong grumaduate si Colyn ay present lahat ng kanyang ate at kuya. Baby na baby talaga nila si Colyn.

Para sa opinion ng iba, maloko lang talaga tingnan sa TV itong si Jose pero pagdating sa kanyang pamilya ay napaka-giving at responsible naman niya dahil naitaguyod niya lahat. Hindi biro ang makapagtapos ng doctor, buti nalang walang patid ang mga raket ni Jose para masustentuhan lahat ang kanyang mga anak. At konswelo naman ni Jose ay napakahusay ng kanyang mga anak. Madami ring mga achievements kaya for sure, kung gaano ka-proud ang kanyang mga anak sa kanya ay ganun din naman si Jose.


                                            Larawan mula sa Kami

Proud din siya sa mga narating ng kanyang mga anak at kahit di sila madalas magkita, close na close pa rin ang pamilya. Kitang-kita naman niya sa mga posts ng kanilang social media account. Kahit walang social media profile si Jose, lagi siyang binabati ng kanyang mga anak sa mga espesyal occations gaya ng Birthdays at Father’s Day.

Source: Youtube

No comments:

ads
Powered by Blogger.