Who is the most successful of Bossing Vic's children?

 Kikilalanin natin ang bawat isa sa mga anak ni Bossing. Aalamin natin ang kanilang mga hilig, trabaho at ihahatid namin ang kanilang mga achievements.

Di gaya ni Bossing, ang kanyang mga anak ay bibihira lamang lumabas sa TV at very private at hindi rin mahilig sa limelight. Kaya naghalungkat kami ng ilang impormasyon para sa inyo. Hindi na naming patatagalin, Narito na ang aming countdown:

Danica Sotto

Siya ang panganay ni Bossing sa dati nitong asawa na si Dina Bonnevie. Isinilang noong May 9, 1983, siya ngayon ay 36 years old.

Larawan mula sa Youtube

Sinubukan ni Danica na pasukin ang showbiz noong kanyang teenage years. Isa sa mga projects na tumatak sa publiko ay ang sitcom na Daddy Di Do Du kung saan nakatrabaho niya ang kanyang ama ngunit di nagtagal nag lay low ito sa showbiz at hanggang nakilala nito ang kanyang hubby ngayon na si Mark Pingris.

Larawan mula sa Youtube

Busy as a homemaker si Danica at magaling ito sabi ni Mark. Marami silang natututunan sa bawat isa lalo na’t galing sila sa magkaibang mundo. Alam naman natin na welloff ang mga Sotto’s, samantala si Mark ay mahirap ang pinagdaanan bago pa man napagtagumpayan ang pagiging isang professional na basketball player. Natakot at nahiya man sa pamilya ni Danica, naging maganda naman ang output come ng kanilang relasyon, maging sa in laws niya na sina Bossing at Dina.

Larawan mula sa GMA

Sinubukan ni Danica na magtayo ng isang restaurant, kaso hindi ito naging successful at iniyakan ito ng husto ni Danica. Hindi niya kinaya ang point na magsasara na ang pinaghirapan niya. Buti na lamang nandyan si Mark para ipaintindi sa kanya na kung gaano pa rin siya ka-bless despite ng ganitong mga sitwasyon.

Sa ngayon, ay busy si Danica as a mom, wife, YouTuber din ito, TV host ng isang cable lifestyle show at may ilan din itong business na hinahandle.

Oyo Sotto

Siya ang pangalawang anak ni Bossing at Dina. Ipinanganak noong January 12, 1984. Maaga pinasok ni Oyo ang showbiz, nakilala na siya bilang Benok sa “Ok Ka Fairy Ko” hanggang sa naging paborito na leading man na drama series na ipareha siya kena Nadine Samonte, Marian Rivera at iba pa. Kasama rin siya lagi sa MMFF entry ng kanyang ama kada taon at ngayon ay isa siya sa mga cast ng Daddy’s Girl nina Maine Mendoza at Vic Sotto.

Larawan mula sa Youtube

Larawan mula sa Youtube

Di na ganoon ka fulltime si Oyo sa showbiz, mas naka focus ito sa kanilang pamilya. Sila ng kanyang napakagandang asawa na si Christine Hermosa. Meron na silang apat na anak. Bukod sa pagiging busy sa Daddy’s Girl, nag-oorganize din ito ng mga events for Bikes enthusiasts at mayroon ding Bicycle shop coffee shop sina Oyo at Tin as their business na matatagpuan sa Alabang. Kaya naman very happy and contended ngayon si Oyo at active din sila sa church.

Vico Sotto

Matapos ang relasyon nina Dina at Vic, nagkamabutihan ng co-host ng Bulagaan na sina Cony at Vic. At 1989 napabalitang nagbunga ang relasyon ng dalawa at ito nga si Vico. Habang lumalaki si Vico, nanatili itong pribado at nagfocus na lamang sa pag-aaral.

Larawan mula sa Philippine Star

Siya ang anak ni Bossing na pinaka mahiyahin tuwing Birthday Celebration ni Bossing. Sa mga VTR lang siya nagpapakita. Hindi rin siya prinessure ng kanyang parents na maging visible sa showbiz. Masipag at matalino, yan ang description ni Bossing kay Vico.

Photo from GMA

Nagtapos ito ng abogasya sa Ateneo de Manila University noong 2011 at itinuloy pa sa Ateneo School of Government para sa kanyang Masteral Degree na natapos niya noong 2018. Determinado si Vico sa pag-aaral para na rin puhunan sa interest niya sa pagiging isang public servant.

2016 ng maging miyembro ito ng Sangguniang Panlunsod o City Councilor of Pasig City. Nagsilbi siya ng isang termino. 2019 nang matapang na kinalaban ni Vico ang mga Eusebio. Napagtagumpayan naman ito at ngayo’y ganap na Mayor na ng Pasig City.

Madami ang hanga sa adbokasiya ni Vico at planong pagbabago sa lungsod ng Pasig kaya sinuportahan siya ng mga Pasigueño.

Paulina Sotto

Short leave romance nga ang kena Bossing at dating commercial model na si Angela Luz pero nagbunga ang kanilang maikling relasyon at ito nga si Pualina.

Larawan mula sa Youtube

Kung mayroong nakaka-bonding si Bossing sa kanyang favorite sport, ito ay si Paulina dahil love na love nila ang Golf. In fact, suportado pa ni Bossing si Paulina sa kanyang mga tournaments. Bukod dito, suportado rin ni Bossing Vic ang kanyang anak sa isa pa nitong fashion ang painting. Isang artist si Paulina, time to time ay mayroon itong exhibit.

Larawan mula sa Philippine NewsFeed

Napakagaganda ng kanyang mga artworks. Hindi ka naman magtataka dahil apo siya ng National Artist na si Arturo Luz. Advice nga ni Bossing kay Paulina ay ipursue niya ang legacy na mayroon ang kanyang lolo Arturo. At iyon naman ang ginagawa ngayon ni Paulina at very proud si Bossing, Number 1 supporter. In fact, sa bahay ni Pauline at Bossing sa Laguna ay makikita ang mga artworks ni Paulina na nakadisplay sa kanilang bahay.

Talitha Sotto

Who would have thought na may darating pang napaka cute na blessing kay Bossing Vic. At 60’s nabiyayaan pa siya ng isa pang anak with his wife Pauline Sotto. Bundle of joy ng pamilyang Sotto si Tali. Napaka cute at talaga namang nagbibigay ng lakas at ganda ng awra kay Bossing.

Larawan mula sa Youtube

Abangan na lang natin kung anung magiging credentials ni Tali soon. Pero for sure, achiever din ito dahil sa mga video uploads ni Pauline sa kanyang IG account. Napakabibong bata, marunong na agad mag ABC, kaya tuwang tuwa sa kanya si Daddy Vic.

Larawan mula sa The FIlipino Times

Dumaan man sa ilang failed relationships si Bossing, perfect naman ang kinalabasan ng pagpapalaki ni Bossing sa kanyang mga supling. Mga mababait at humble.

Source: Youtube

No comments:

ads
Powered by Blogger.