Who really is "Kuya Escort" Ion Perez!



Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Kuya Eskort o Ion Perez, 28 taong gulang, na ipinanganak noong Nobyembre 27, 1990. Siya ay isang entertainer at model. Mahirap lang din ang buhay na kinagisnan ni Perez. Ang kaniyang tatay ay isang jeepney driver habang ang kaniyang ina naman ay nagtitinda ng mga kakanin. Sila din ay 15 na magkakapatid.

Sa mura ding edad, nakaranas na ng pangbubully si Perez mula sa kaniyang mga kaklase na sinasabi sa kaniya na siya ay panget at hindi maganda ang amoy. Dahil sa naging karanasan, palagi na niyang inaayos ang kaniyang sarili para siya ay magmukhang presentable sa harap ng maraming tao.

Si Kuya Eskort din ay hindi nakayari ng kaniyang college dahil na rin sa kahirapan kung kaya’t tinulungan na lamang niya ang kaniyang ina na magbenta ng mga pagkain sa kanilang barangay.

Larawan mula sa Pep

Bago din siya naging isang sikat bilang Kuya Escort si Ion sa “It’s Showtime”, siya muna ay sumali sa ilang mga pageants. Sa katunayan nga, nakuha niya ang titulo bilang Mr.  Filipinas noong 2017 at naging Mr. Universe Tourism noong 2018.

Dahil sa pagkapanalo sa mga International pageant na kaniyang sinasalihan, siya ay nakatanggap ng pangmatagalang suweldo katulad na lamang ng pananatili sa isang luxury apartment sa loob ng isang taon, isang car service na mayroong driver, assistant, at body guard, at gym membership.

 Larawan mula sa Pop News Philippines

Ngunit bago pa man ang lahat ng iyan, si Perez ay isa na ding sikat na fashion model kung saan naging parte siya ng bachelor list ng Cosmopolitan Philippines.

Si Kuya Eskort ay kasalukuyang nasa It’s Showtime. Gayunpaman, masayang masaya at kontento na si Ion Perez sa buhay na mayroon siya ngayon.

Naging magkarelasyon naman si Ion at Vice ganda at mahigit isa o dalawang taon na silang nagsasama

Source: ABS-CBN

No comments:

ads
Powered by Blogger.