Dalawang Vlogger bagsak sa kulungan matapos gumawa ng prank content

Dalawang Vlogger gumawa ng content ngunit sa kulungan ang bagsak dahil sa ginawang prank sa isang gasolinahan.


netizenpost.info
Photos c/o MAWAB MDRRMO


Ayon sa ulat, inaresto ang dalawang vlogger ng mga tauhan ng Mawab Police Station nitong January 18.


Kinilala ang mga vlogger na sina Jonel Cordero at Arnold Rabi ng Cordero Brothers Vlog.


Ang mga Vlogger na nagre-record ng video para sa kanilang online content, ay bumili ng gasolina na nagkakahalaga ng P10 at ibinuhos ito sa isang walang laman na bote ng plastik. Ang isa sa kanila ay nagpanggap na umiinom ng "gasolina" na tila isang energy drink lamang. 


Naalarma ang staff at tumawag ng emergency assistance nang magsimulang magkasakit ang isa sa mga vlogger.


Pero nang bibigyan na sana ng first-aid ang vlogger ng dumating na emergency response team, nilantad ng mga itong “it’s a prank” lamang ang kanilang ginawa.



“The prank pulled by the vloggers which was responded by the MDRRMO for instance could have caused unnecessary disruption should another incident had taken place that need to be responded,” ayon sa statement ng Police Regional 11.

source: tnt news abante




No comments:

ads
Powered by Blogger.