Farewell to our dear former Pope Benedict XVI

Paalam Mahal Naming Santo Papa Pope Benedict XVI.

Marami sa atin ang masaya sa pagpapalit ng taon, subalit isang pangyayari ang magpapalungkot sa buong mundo bago pa man sumapit ang bagong taon, at ito ay ang pagpanaw ng ating pinakamamahal na Santo Papa na si Pope Emeritus Benedict XVI, siya ay pumanaw sa edad na 95 noong Disyembre 31, 2022 bandang 9:34 (08:34 GMT) sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican dahil sa sakit, at ang kanyang mga labi ay nakahimlay ngayon sa Saint Peter’s Basilica mula January 2-4, 2023 na tinawag nilang "the greeting of the faithful", kasunod ng kanya libing sa January 5, 2023. 






Bagting ng kampana galing sa Munich cathedral at bawat tunog ng kampana ay dinig sa buong Saint Peter's Square sa Roma, ito ay matpos inihayag ang kanyang pagpanaw.

Inalala ng mga tagasuporta, ang yumaong dating pontiff ay isa sa mga pinakadakilang teologo ng Simbahang Katoliko, at isa ring hamak na lingkod na walang pag-aalinlangan tungkol sa pagsuko ng kapangyarihan. Ang ipinanganak sa Aleman na si Joseph Ratzinger ang unang papa na nagbitiw sa loob ng 600 taon. Inalala rin ang kanyang patuloy na pagsisikap na itaguyod ang kapayapaan at mabuting kalooban sa lahat ng tao, at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pandaigdigang Angelican Communion at ng Simbahang Romano Katoliko.

No comments:

ads
Powered by Blogger.