List of top 10 THIRD PARTY Labelled Female Celebrities in the Philippines

 Top 10 THIRD PARTY Labelled Female Celebrities in the Philippines

 

Sinu-sino nga ba ang mga celebrities na diumano naging dahilan o naging thirdparty sa hiwalayang kinsangkutan nila. Sila ang mga nasangkot sa malalaking isyu noon at natawag silang mang-aagaw ng mga netizens. Tara at alamin natin.




10. Kris Aquino

 Larawan mula sa ABS-CBN



Isa si Kris Aquino sa mga female celebrities na naakusahang nang-agaw at nakasira ng relasyon. Naging matunog ang balita noon nang malink siya sa kanyang co-actor na si Philip Salvador. Nagsimula ang kanilang relasyon ng gawin nila ang pelikulang “Nandito Ako” noong 1994.

 

Hindi naging maganda ang tingin ng mga tao kay Kris ng inamin niyang may anak siya kay Philip Salvador. Nang mga panahon na iyon ay kasal pa si Philip sa kanyang unang asawa ngunit nanindigan pa rin si Kris Aquino at Philip sa kanilang relasyon na tumagal ng limang taon.

 

Naging malaking isyu ito lalo nan ang ipalabas sa publiko na pinabinyagan nilang magkasama ang kanilang anak kahit alam ni Kris pamilyadong tao si Philip Salvador noon. Sa isang interview niya with Yes Magazine, inamin niya na ang relasyon niya kay Philip ang isa sa pinaka nakasakit sa kanyang ina na si Cory Aquino na kilalang deboto ng simbahang katoliko.

 

9. Yassi Pressman

 Larawan mula sa Cosmo.ph


Naging isang mainit na isyu din ang pagkakalink ni Yassi Pressman sa kilalang actor na si Coco Martin. Nagsimula ang kanilang tambalan sa “Ang Probinsyano” at doon na rin nagsimula ang isyu tungkol sa kanilang dalawa.

 

Noong nakaraang buwan, kinumpirma ng mga kilalang news network at wensites na buntis nga si Julia Montes at si Coco Martin diumano ang ama ng kaniyang dinadala. Ngunit hanggang ngayon ay naging tahimik pa rin si Coco Martin ukol dito pati na din si Julia Montes.

 

Hindi naman mapigilang ang mga fans ni Coco at Julia na isisi kay Yassi Pressman ang tuluyang napuputol na relasyon ni Coco Martin at Julia Montes. Maraming kumakalat na balitang matagal nang may gusto si Yassi kay Coco at ngayon ay secretly in a relationship na daw ang dalawa. Ayon sa balita ay itinatago pa nila ito dahil sa mainit na isyu na si Coco Martin ang ama ng anak ni Julia Montes.

 

Wala pa naming napapatunayan sa lahat ng alegasyon na ito ngunit hindi din malaman ng mga news networks kung bakit hindi nawawala ang isyu na ito at patuloy na walang klarong sagot sa parte nina Coco Martin at Julia.

 

Ito naman ang naging sagot ni Yassi Pressman tungkol sa isyu na ito,

 

“Wala po akong karapatan na magsalita for them.”

 

8. Liz Uy

 Larawan mula sa Preview Magazine


Si Liz Uy ay isang celebrity’s stylish at kilalang close friend ng mga malalaking pangalan sa industriya tulad ni Anne Curtis at Vice Ganda. Naging mainit ang isyu na siya ang naging third party sa pagkasira ng relasyon ng business man na si Raymund Racaza at asawa nitong si Dra. Ging Racaza.

 

Noong nakaraang taon, mag naging malaking rebelasyon si Liz Uy na matagal niyang itinago sa publiko. Nagsimula ito ng mag-post si Georgina Wilson ng photo ni Liz na may hawak na baby at agad din naman nitong binura ng actress.

 

Ilang linggo ng matapos ang insidenteng iyon ay inanounce ni Liz sa kanyang Instagram Account na mayroon na siyang anak ngunit hindi niya inamin kung sino ang tatay ng bata. Dahil dito naglabasan ang mga balitang siya ang dahil ng pagkasira ng pamilya ng isang kilalang doktora na si Ging Racaza. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga netizens sa isyung ito at napakaraming hindi magagandang reaksyon ang natanggap ni Liz dahil dito.

 

Binansagan din siyang mang-aagaw ng mga kaibigan at pamilya ng nasabing doktora. Ngunit hindi naman nagpaapekto si Liz Uy at nagpost pa siya ng picture nilang tatlo kasama ang kanyang kinakasama na si Raymund Racaza at ang kanilang anak na si Baby Savy.

 

7. Andrea Torres

 Larawan mula sa MSN


Si Andrea Torres ang isa sa mga binibuild-up na actress ngayon ng GMA 7. Sunod-sunod din ng mga projects niya at ang pinakabago ngayon ay ang “The Better Woman” kung saan leading man niya si Derek Ramsey.

 

Hindi naman nakaligtas si Andrea Torres sa isyung hiwalayang Derek at Joanne dahil siya ang kadalasang tinuturong salarin sa hiwalayan o pag-aaway ng mag-asawa tulad na lamang noong kay Marian Rivera at Dingdong Dantes nang magtambalan ang dalawa sa “Alyas Robinhood”.

 

Siya din ang sinasabi ni Yassi Pressman na pinagseselosan niya sa Bubble Gang na katrabaho ng ex-bf niya na si Sef Cadayona.

 

Ito naman ang nagging komento niya sa isang interview ng Philippine Entertainment Portal noong nakaraang buwan,

 

“Hindi na ako na-shock na nadamay ako sa break-up nila Derek at Joanne. Actually, wala akong masasabi kasi hindi ako involve, So ayoko ring mag-comment po.”

 

6. Coleen Garcia

 Larawan mula sa Rappler


Happily married na ngayon si Coleen Garcia at Billy Crawford ngunit hindi naging ganun kaganda ang naging simula ng kanilang relasyon. Si Coleen Garcia ay nasangkot din noon sa isyung hiwalayan nina Billy Crawford at Nikki Gil. Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang balitang ito.

 

Naging mainit ang mga mata ng mga netizens kay Coleen na co-host ni Billy sa noontime show na “It’s Showtime”. Kaya naman minabuti muna ng management na pagbakasyunin muna si Coleen habang mainit pa ang isyu.

 

Hindi naging madali kay Billy Crawford at Coleen Garcia na aminin ang kanilang relasyon dahil maraming netizens ang nagsabing inagaw lamang ni Coleen si Billy kay Nikki Gil. Ngunit hindi ito hinayaan ni Billy na lumala kaya naman siya na ang nagsalita at nagklaro ng mga bagay at totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Nikki Gil.

 

Ito naman ang nagging interview ni Coleen sa Buzz ng Bayan noong November 3, 2013 episode,

 

“Ako na lang palagi ang third party, e, ano? Yun naman ang palaging akala nila. Na ahas ako. Pero ang masasabi ko lang ay hindi.”

 

5. Marian Rivera

 Larawan mula sa GMA


Si Marian Rivera ang price actress ng GMA 7 at nagsimula siyang sumikat nang makuha niya ang lead role bilang Mari Mar kung saan una niyang naging leading man ang husband niya ngayon na si Dingdong Dantes. Ngunit bago pa dumating sa happily ever after ang love story nilang dalawa may mga isyu din silang kinasangkutan. At ang pinakamalaki doon ay ang break-up ni Dingdong Dantes at Karylle Marquez.

 

Nang lumabas ang isyung hiwalayan ni Dingdong at Karylle, maraming kumalat na balitang si Marian ang naging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay at maraming netizens ang hindi natuwa sa balitang ito. Naging tahimik lamang sa isyu si Marian kaya naman hindi na lumala pa ang sitwasyon nilang tatlo.

 

Tuluyan ding lumipat ng ABS-CBN si Karylle dahil hindi na daw niya makayanan na makitang magkasama ang dalawa pagkatapos ng kanilang hiwalayan. Ngunit pagkatapos ng ilang taon ay nakumpirma din na walang anumang tension sa pagitan nila Marian at Karylle.

 

Ito naman ang nagging sagot ni Marian sa mga paratang sa kanya noon,

 

“Kung may isyu po sa kanila, labas na ako doon. Wala po ako sa posisyon na magsalita. Hayaan na lang po nating sila ang magsalita.”

 

4. Jessy Mendiola

 Larawan mula sa Pep.ph


Katulad ng isyu nina Bela Alonzo, Gerald Anderson at Julia Baretto, isa din sa hindi makakalimutang kontrobersyal na break-up ang kay Angel Locsin at Luis Manzano. At ang naging malaking dahilan diumano ng tuluyang paghihiwalay ng dalawa ay si Jessy Mendiola na noong panahon na iyon ay itinanghal bilang FHM sexiest female celebrity.

 

Naging malaking isyu hiwalayang iyon at ayon sa mga kilalang news networks na si Jessy Mendiola ang pinakabash na celebrities ng lumabas ang isyung hiwalayan nila Angel at Luis. Hanggang sa ngayon ay di pa din nawawala ang mga paratang sa kanya ng mga Angel Locsin fans at inihalintulad pa si Julia Baretto sa kanya lalo na noong isa siya sa mga nag-comfort sa actress noong lumabas ang Bea-Gerald break-up issue.

 

Ito naman ang nagging sagot ni Jessy sa kanyang mga bashers,

 

“Ang mga bashers kahit anong sabihin mo, hindi nila tatanggapin yun. Ilang beses ko nang sinagot sa mga interview noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi.”

 

3. Julia Barretto

 

Si Julia Barretto ang anak ni Marjorie Barretto kay Dennes Padilla. Isa siya sa mga kilalang actress sa kanyang henerasyon ngayon at ang pinaka kontrobersyal din sa kanyang henerasyon dahil sa hiwalayang Bea at Gerald. Si Julia Barretto ang masasabing pinaka magandang mukha sa kanilang magkakapatid at kahit sa showbiz ay nakakasabay siya sa ganda nina Liza Soberano at Kathryn Bernando.

 

Ngunit dahil sa malaking isyu na kinasangkutan niya ay marami siyang naging bashers at maraming nagsabi na isa nga talaga siyang Barretto.

 

Ito ang kanyang naging matapang na komento ng pinaratangan siyang mang-aagaw at siya daw ang  naging  dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Gerald,

 

“I believe Gerald has made it clear that a third party was not the cause of their break-up.”

 

2. Marjorie Barretto

 Larawan mula sa Rappler


Si Marjorie Barretto ay kilala bilang kapatid nila Gretchen at Claudine Barretto na pamilyang magagandang mukha sa showbiz. Ngunit hindi din siya nakatakas sa intriga kahit na pinili ng actress ang tahimik ang kanyang buhay pamilya.

 

Noong nakaraang taon, inamin ni Marjorie Barretto na itinago niya sa publiko ang bunso niya na si Erich. Maraming nagsasabi at lumabas na balita na kaya ito itinago ni Marjorie dahil siya ang anak ni Marjorie sa dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri. At si Echiverr ay kasalukuyang may asawa at ito ay si Purificacion Malabanan Echiverri.

 

Hindi pa rin umaamin si Marjorie hanggang ngayon ngunit nilaglag siya ng kanyang kapatid na si Gretchen, kaya naman lalong lumala ang kanilang isyu bilang magkapatid. Wala naming nagging pag-amin o pagdedeny sa parti ni Marjorie Barretto at patuloy lamang ang siyang naging tahimik ukol sa isyu na ito.

 

Ngunit noong 7th Birthday ng bunso niya na si Erich ay nagpakita na si ex-Mayor Echiverri na kasama ni Marjorie sa party. Nag-comment at may pang-aasar pang sinabi si Gretchen na “Oh, so sweet!”.

 

1. Gretchen Barretto

 

Si Gretchen Barretto ang isa sa may pinaka magagandang mukha sa showbiz. Kilala din siya bilang partner for 24 years ni Tonyboy Cojuangco na isang bilyonaryo sa Pilipinas. Maraming netizens ang bumabatikos sa kanya at tinawag siyang kabit dahil aminado si Gretchen na siya ang naging dahilan kung bakit hiniwalayan ni Tonyboy ang pangalawa niyang asawa na si Denise Yabot Cojuangco.

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumpayag si Denise na ma-anull ang kanyang kasal kay TonyBoy. Kaya naman hanggang ngayon ay tinuturing pa rin na kabit si Gretchen ng mga tao. Ang unang asawa naman ni Tonyboy ay si Bing Tuason Gonzales.

 

Ito naman ang nagging sagot ni Gretchen ng ibash siya ng mga tao dahil sa pagiging mang-aagaw daw niya,

 

“Aaminin ko, for the past 23 or almost 24 years, opo, kabit po ako ni Tonyboy Cojuangco. I never denied it. If you threw that at me five years ago, maglulupasay po ako. Halos magpakam4tay po ako sa sakit sa aking dibdib pag tinatawag niyo akong kabit. But right now, after 23 lovely years with my Tonyboy, you can call me Kabit and I will tell you, ‘I am happily his kabit. I am happily his mistress.”

 

Source: Youtube

 

 

 




No comments:

ads
Powered by Blogger.