Ayon kay Hontiveros, hindi dapat gamitin ang contingent fund sa CIF dahil ito ay para lamang sa mga emergency o biglaang pangangailangan.

                                                             Photo Credit:powerphilippines

Senadora Risa Hontiveros isusulong ang pagbawal ng paggamit ng contingent fund para dagdagan ang confidential and intelligence funds (CIF) ng ilang mga civilian government agencies.


Saad dito ni Hontiveros, hindi dapat gamitin ang contingent fund sa CIF dahil ito ay para lamang sa mga emergency o biglaang pangangailangan.


Ipagbabawal din ng senadora ang paggamit sa contingent fund sa pagbili ng mga sasakyan.


Ayon kay Hontiveros, ginagamit lamang ang contingent fund para i-cover ang funding requirements ng mga bago o urgent activities o projects ng mga ahensya ng gobyerno, GOCCs at mga lokal na pamahalaan na kinakailangang maipatupad o mabayaran sa loob ng isang taon.


Matatandaan na noong 2022, P125 million na contingent fund sa tanggapan ng Pangulo ang inilipat sa confidential fund ng opisina ni Vice President Sara Duterte.




source: rmn ph

No comments:

ads
Powered by Blogger.