Christy Fermin hinamon si Karla Estrada para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo


Christy Fermin my hamon kay Karla Estrada na magharap silang dalawa kasama ang kanyang source para magkaalaman na kung sino ang nagsasabi ng katotohanan sa isyung hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


“Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?” ani Cristy sa “SNN” nitong Nov. 23.


“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” dagdag pa niya


“Very vague po ‘yung kanyang post. Hindi natin alam kung ano ‘yung pinasisinungalingan niya. Wala bang katotohanan na siya ang naglantad ng paghihiwalay ng kanyang anak at ni Kathryn o walang katotohanan na hiwalay na? Dalawa ‘yun,” ayon kay Christy.


“Pero ang buong akala ng mga KathNiel na tagahanga, hindi siya ang naglantad nung balita at hindi rin hiwalay si Daniel at si Kathryn,” dagdag pa niya.


Kaya para mag kaalaman ay hinamon na niya ito.


“Hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayo maghaharap-harap,” sabi niya.

source: tnt news

Ano masasabi nyo sa post na ito? Comment Below:




.

No comments:

ads
Powered by Blogger.