Hiwalayan ni Kathrin Bernardo at Daniel Padilla kinumpirma


“Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?” ani Cristy sa “Showbiz Now Na” nitong Huwebes.


Ayon pa sa  source ni Cristy, nagsimula ang paghihiwalay ng KathNiel kung kailan nagsimulang magpakita ng skin o magpaseksi si Kathryn.


“Ang tanong, kailan ito ipinanganak, itong paghihiwalay na ito. Ang sabi ng aking source, bilangin ninyo ‘yung panahon na si Kathryn ay ibang-iba na ang gayak. Nagpapakita na ng skin, nagpapaseksi.


“So, kung bibilangin natin ‘yun, noon pala ay tapos na… Buwan na ang bibilangin natin,” patuloy pa niya.


“Malay naman natin, kung magpapahinga lang sila ng ilang panahon at isang araw ay magigising sila na kailangan pa rin nila ang isa’t isa at magkakabalikan sila… Pero sa ngayon, kailangan n’yo pong tanggapin na tapos na ang kanilang relasyon. Ang kanilang love team nandiyan pa rin pero ‘yung puntong personal, tapos na ‘yun.”


Sa kanyang official Facebook page, pinabulaanan ni Karla na kinumpirma niyang hiwalay na sina Daniel at Kathryn.


“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” ayon sa kanya. 

source: tnt news

No comments:

ads
Powered by Blogger.