Hontiveros naghain ng Resolusyon para makipagtulungan sa ICC

 

     Photo Credit: Compile images from google.


Senadora Risa Hontiveros naghain ng isang resolusyon na kahalintulad ng sa Kamara na humihikayat sa Malacañang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) ukol sa imbestigasyon nito sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.


“The best way for Malacañang to show its commitment to upholding human rights is to work with the ICC in securing justice for human rights violations victims, and in upgrading mechanisms of human rights protections in the Philippines,” ayon kay  Hontiveros.


“Ayon sa mga pinakahuling pahayag ng Pangulo, mukhang posible itong kooperasyon na matagal nang hinihingi ng mga biktima ng human rights violations at ng kanilang pamilya,” dagdag  Hontiveros.


Matatandaan na nakaraang linggo, kinumpirma ni Presidente Marcos na pinag-aaralan ng kaniyang administrasyon ang pagbalik ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC, halos limang taon matapos pangunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa pagkalas sa Rome Statute, na siyang founding treaty ng ICC.

source: tnt news


No comments:

ads
Powered by Blogger.