Ilang grupo nakikiusap sa ABS-CBN para patahimikin si Ogie Diaz sa isyu ng Kathniel

 


Ogie Diaz nais patahimikin sa isyu ng breakup ng kathniel?

Ayon kay Ogie Diaz, nakarating sa kanyang balita na mayroon umanong nakikipag-usap sa ABS-CBN para patigilin siya sa pagbibigay ng update o tsika tungkol sa KathNiel.


“Mayroon nakikipag-usap daw sa management ng ABS-CBN na kung puwede raw na patigilin ako, kami dito na magbalita tungkol sa KathNiel sa breakup diumano lalo na kay Daniel… Pinapatigil kami,” ani Ogie.

“Pero meron pang nakarating sa akin, meron namang nakipag-usap sa kampo ni Kathryn Bernardo. ‘Yun na nga, parang nakarating kay Kathryn na merong nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN para patigilin ako. Ang sabi ng kampo ni Kathryn, nakarating lang naman sa akin ito… ‘Let them be’. Ibig sabihin, hayaan n’yo na sina Ogie na gawin ang trabaho nila. Parang ganoon ‘yung let them be,” wika ni Ogie.

“Una sa lahat, wala ho kaming ibinabalita rito na nakakasirang-puri. Kay Kathryn, kay Daniel, o sa relasyon. Ang lagi rin naming sinasabi rito, ‘yun pong nababalitaan lang namin pero, hindi pa confirmed.

“Kaya ‘yung iba, inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya nga sinasabi namin, hindi pa confirmed,”  Ayok kay Ogie Diaz. 

No comments:

ads
Powered by Blogger.