Ilang pulis hawak ng China mafia - Hontiveros
Senadora Risa Hontiveros natuwa sa pagsibak sa pweseto ng mga hepe ng Pasay City Police at iba pa kasunod nang pagsalakay ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa POGO hub na ginagamit na front ng sex at human trafficking sa Pasay City kamakailan.
“I appreciate the PNP’s urgent action of relieving these officers from their posts. Lantarang pangto-torture at prostitusyon ang mga nangyayari sa isang napakalaking building, pero hindi nila alam? Imposible,” ayon kay Hontiveros sa isang statement.
Nababahala din ang senadora kung bakit ito nakakalusot o bulag-bulagan lang ang mga pulis
“Paano nga ba nakalusot ito? The Pasay police officers were either negligent or complicit. Ang nakakabahala baka matagal na silang nasa bulsa ng mga Chinese mafia,” saad ni Hontiveros.
“This makes me wonder if there are other police stations across the country that are covering up for POGOs. Kaya hindi mahinto-hinto ang mga krimeng dala ng POGO sa bansa kasi baka may mga pulis na sadyang nagbubulag-bulagan,” dagdag pa ng senadora
source: tnt news abante
No comments:
Post a Comment