Ipaprayoridad ng gobyerno ang mga detenido at senior citizen na mga rebelde sa amnestiya
photo credit: Compile images from google
PBBM ipaprayoridad ang mga detenido at senior citizen na mga rebelde sa amnestiya, sa mga komunista at iba pang rebeldeng grupo sa Mindanao.
Ayon ito sa National Amnesty Commission (NAC) matapos ilabas ng Malacañang ang direktiba para gawaran ng amnestiya ang mga komunista at Muslim separatists nitong nakalipas na araw.
Sinabi ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento, ang Executive Order na inilabas ng Pangulo para sa amnestiya ng mga rebelde ay magandang pamasko para sa bayan.
“These proclamation by PBBM ay isang masayang pamaskong handog sa bayan. Napapanahon na napirmahan ito sa pagsalubong sa bagong taon,” ani Armamento.
Sinigurado naman ng opisyal na nakahanda ang komisyon na harapin ang mga hamon ng bagong mandato para sa pagkakaisa at kapayapaan ng bansa.
source: tnt news
No comments:
Post a Comment