Matapos i-flex ang 5 milyon kita kada araw, netizen kinalkula ang babayarang tax ni Rosmar Tan
Usap usapan ngayon sa social media ang Content creator na si Rosmar Tan matapos niyang i-flex na kumikita sya sa kanyang negosyo na hindi bababa sa P5 milyon kada araw.
Kaya ang mga netizen ay kinalkula kung magkano ang babayarang tax nito.
Matatandaan na pahayag ng Bureau of Internal Revenue na paiigtingin ang kanilang pagsugpo sa mga social media influencer na hindi nagbabayad ng wastong buwis.
Ayon sa isang netizen, kung kakalkulahin ay nasa P540 milyon ang buwis na dapat bayaran ni Tan kada taon kung kumikita ito ng hindi bababa sa P5 milyon kada araw.
“As per Rosmar, sa mahinang araw, 5M per day siya. So 1.8B a year. So if 30% (to simplify) tax, that would be 540M na tax. Aguyyyy… Parang wala pa naman foundation ai anteh para makabawas,” saad ng netizen
Kamakailan lang din ay nag viral si Rosmar matapos ipagmalaki sa vlog ni Toni Gonzaga na mahina pa ang P5 milyong kita niya dahil umaabot pa raw ng hanggang P13 milyon ang kanyang income sa loob lang ng isang araw.
Ano masasabi nyo sa post na ito? Comment below:
No comments:
Post a Comment