Ogie awang awa kay Dennis Padilla

 


Ayon sa ulat ng TnT news abante, Awang-awa na daw ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang kaibigang si Dennis Padilla.


Hindi parin kasi ito pinapansin ng mga anak niya kay kay Marjorie Barretto.


“Naaawa na naman ako kay Dennis Padilla,” sey ni Ogie sa YouTube channel na “Showbiz Update”.


“‘Di ba lahat ng anak niya, kada birthday binabati niya. So ito namang huli, ang binati niya si Dani Barretto dahil nag-birthday. Tinanong ko si Dennis kung ‘nagre-reply ba sa’yo ‘yung mga anak mo kapag binabati mo?’ Wala pa rin daw,” dagdag niya.


“What if ‘di ba, hindi natin kabisado ang buhay. Kinabukasan may maganap kay Dennis ‘di ba? Siyempre alam ng mga tao ‘yung istorya, anong magiging reaksyon ng mga bata?


“Tatay rin kasi ako kaya iiwasan kong mangyari sa akin ‘yan at sa mga anak ko,”


Ramdam daw ni Ogie ang pakiramdam ni Dennis dahil ama din siya.


source: tnt news abante

No comments:

ads
Powered by Blogger.