Rendon Labador gigil dahil sa mataas na presyo ng itlog

Rendon Labador nag beast mode at nanggigil sa mataas na presyo ng itlog.


Ayon sa kanya, apektado na raw kasi nito ang fitness industry lalo na ang mahihirap na pamilya.


“Nagagalit ako kasi ang taas na ng presyo ng itlog. Hindi na kami papayag. Apektado ‘yung fitness industry lalong-lalo na ‘yung mga mahihirap nating kababayan,” saad ni Rendon sa isang panayam ng News5.


“Nananahimik ako sa gym eh. Pero ‘pag ganito, hindi ako makakapayag na ganito ‘yung mangyayari sa’tin. Gawan ninyo ng paraan ‘yan. Gawin ninyo ang lahat para mapababa ang presyo ng itlog,” dagdag pa niya.

No comments:

ads
Powered by Blogger.