Roderick Paulate sa mga kumukuwestiyon sa kanya: Nilinaw na hindi siya nakulong

                                                      Photo Credit: Roderick Paulate/PhStar

Maraming netizens ang kumukuwestiyon sa Komedyanteng si Roderick Paulate kung bakit nakakagawa pa ito ng Pelikula gayong nahatulan ito ng pagkakakulong para sa kasong graft.


Matatandaan ang kasong graft ni Roderick ay kaugnay sa pagha-hire umano niya ng mga ghost employee noong konsehal pa siya ng Quezon City taong 2010.


“Hindi po ako nakulong. Totoo ‘yun ‘yung lumabas sa news pero hindi naman sinasabi ng news kung ano ‘yung mga legal procedure na mangyayari,” ayon sa komedyante  sa vlog ni Ogie Diaz.


Naglabas din ito ng sama ng loob dahilbakit daw kapag negatibo ang balita tungkol sa kanya ay pinagpipiyestahan siya pero kapag positibo o noong pinawalang-sala siya at dinismiss ang kaso laban sa kanya ay bakit hindi raw ito pinag-usapan.


“So, I find it unfair,” saad ni Roderick.


Ipinagtanggol naman ni Ogie Diaz si Roderick.


Sa showbiz industry raw ay walang iniwan o anumang bahid ng anomalya si Roderick kundi pawang legacy lamang ang naiwan nito.

source: tnt news

No comments:

ads
Powered by Blogger.