Vice Ganda: Mahirap na magpatawa ngayon kumpara dati

                                                               Photo Credit: showtime

May hugot ngayon si Vice Ganda tungkol sa pagiging comedian ngayon.

Ayon kay Vice Ganda, mahirap nang magpatawa noon ngunit mas naging mahirap magpatawa sa kasalukuyan.


“Nung panahon nila, mahirap nang magpatawa noon. Pero grabe ‘yung hirap magpatawa ngayon. Minsan ‘pag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko, ‘Nakakatawa ‘yan ano? Paano ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa akin?” ayon kay Vice Ganda.


“Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino pero lately, ang hirap n’yo ring pasayahin. Konting kibot, konting utot ‘di ba, mayroong panget na reaksyon. 

Ang hirap-hirap magpatawa ngayon kaya nakakatuwa na makita ‘yung maraming litrato nung komedyante. 

Sabi ko, ‘Ang sarap oh, andami nang komedyante.’ 

Pero ngayon sana dumami pa ‘yung komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa,” dagdag pa ni Vice.


source: tnt news abante


No comments:

ads
Powered by Blogger.