Mika dela Cruz emosyonal na sinabi ang dahilan kung bakit iniwan ang showbiz

Mika dela Cruz emosyonal na ibinahagi kung bakit pinili niyang iwan ang kanyang kasikatan.


Si mika ay nakilala bilang child star sa “Goin’ Bulilit”.


Kapatid din siya ni Angelika dela Cruz.



Naging trending ang life changing testimony niya sa worship event ng isang Christian group sa Victory Antipolo noong November 19, kung saan nilantad niya ang mga hirap na pinagdaanan mula sa pagiging isang child star.


“Tingin ng mga tao masaya, magarbo, madali ang buhay. Hindi naman namin napapakita kung ano ‘yung nangyayari behind it.


“Hindi nila alam na kinalakihan kong hanapin ‘yung identity ko sa mundo, sa ibang tao. This became the source of my restlessness. Alam ng pamilya ko ‘yan. I’ve been restless all my life,” ayon kay Mika na bumuhos na ang luha.


“Growing up, my mind was restless, my spirit was restless, my physical body was restless. I’ve never talked about this.


“The past four years were the worst years of my life. It was the hardest and the lowest point in my life, and nobody knew about it. Ito ‘yung masasabi ko na talagang sumadsad na ako,” dagdag pa niya.


Kahit daw ang mga taong malapit sa kanya ay hindi na alam kung paano siya matutulungan.


Sobrang na-down daw siya sa pagpanaw ng kanyang ama dahil sa COVID at pagkaka-diagnose sa kanya ng “multiple serious health conditions”, kabilang na ang autoimmune disease, na nakuha raw niya dahil sa constant stress.


“Bitbit ko ‘yun simula nung pagkabata pa ako kaya nag-manifest na siya sa katawan ko. Lumabas na siya. Bumigay na ‘yung katawan.”


Maliban dito ay nakaramdam din daw siya ng “major identity crisis” kaya nagdesisyon na siyang iwan ang showbiz.


“I also couldn’t continue school anymore kasi my thyroid health affected my brain and my memory. Pumapasok ako sa school hindi ko na naiintindihan. Three hours nakikinig ako sa professor, tatanungin ako as simple takeaway from today’s class, ni wala akong mabanggit. Apektado po lahat sa akin…


“I wasn’t living anymore. I was merely existing. Andiyan na lang ako, inaagos na lang ako. Kung ano mangyari, wala na. Lahat ng dreams, hopes, love, joy, wala na akong passion na natira sa heart ko.”


Dalangin lang sya ng dalangin sa diyos na bigyan sya ng “breakthrough” dahil pagod na raw talaga siya.


Hanggang sa may mga kaibigan daw na humikayat sa kanyang sumali sa Victory Christian Fellowship.


Ito raw ang naging daan sa kanyang “powerful healing” at “transformation only Jesus Christ can bring into a person’s life”.


Patunay raw nito nang ma-clear siya ng doktor sa isa sa mga “incurable diseases” niya na mayroon siya noon pang 2015.


“He definitely moves when you decide. The decision has to come from you. When you decide to make room for Him.” ayon kay mika.


source: tnt


Ano masasabi mo sa post na ito? Comment below:







No comments:

ads
Powered by Blogger.