Nagbanta si Cristy Fermin na idemanda ang tatay ni Liza Soberano kung hindi ito magpa-public apology.


Christy Fermin nagbanta na idemanda ang ama ni Liza Soberano kung hindi ito magpa-public apology.

Ito ay matapos sa buradong post sa social media ni John Soberano.

Sa buradong FB post, minura ni John sina Cristy at Ogie Diaz dahil sa pakikialam umano sa buhay ng iba.

Bukod dito din ni John si Ogie, na dating manager ng kanyang anak, na bumalik na lamang sa pagtitinda.

Ngayong Dec 12, sinabi ni Cristy na naibigay na umano ng kanyang abogado ang demand letter nito sa ama ni Liza.

Dahil kung magpa-public apology si John sa loob ng limang araw, mauuwi sila sa pagsasampa niya ng kasong cyber libel.

“Kahapon ay personal na kaming nagkita ng aking abogado, si Atty. Ferdie Topacio, at personal nang inihain sa kanya ang demand letter na kailangan niyang bawiin ang kanyang mga ipinost sa loob ng limang araw na ibinibigay sa kanya,” ayon kay Christy.

“Kapag hindi niya ‘yun binawi at kami ay ginamot kung saan niya kami sinaktan, tuloy ang cyber libel… Kailangan binibigyan ng leksyon ang mga taong nakalilimot sa kagandahang asal,” dagdag pa ni Christy Fermin.

Ano masasabi mo sa post na ito? Comment below:




No comments:

ads
Powered by Blogger.